Kahit na sa ayaw o sa gusto mo, lahat tayo ay gustong maging matagumpay sa buhay. Sino ba naman ang may gusto na maging isang failure o maghirap.
Pero mayroong mga habit na noon pa ginagawa na natin, o nakuha natin sa ibang tao na pumigil para kunin ang gusto natin sa buhay, o pumipigil para maging successful tayo.
Mayroong 7 Bad Habits na kailangan nating alisin sa buhay natin para maging matagumpay tayo o para makuha natin ang gusto nating marating sa buhay.
Ang negative thinking ay nagbibigay sa atin ng negative emotion kaya ito ang pumipigil sa atin para magkaroon ng positibong buhay, o magandang buhay.
Kailangan nating ma-control ang ating way of thinking. Dahil kung hahayaan nating pumunta ang ating isip sa natural way, mas maiisip natin ang mga negative na bagay kaysa sa mga positibo.
Bakit?
Dahil mas naattract natin ang negative energy ng universe kaysa sa positive energy. Kaya kung papansinin mo, bakit puro negative news ang pinapalabas sa balita? Simple lang, dahil mas madaling maattract ng tao ang negative energy.
Katulad kapag ag aapply ka ng trabaho, ano ang mas iniisip mo? Diba yong, “Baka hindi ako matanggap sa trabaho”.
Kung sa business, “Paano kung malugi ako?”, “Paano kung di ako kumita?”
So, kailangan nating i-train ang isip natin to think positively. Mas kailangan nating makita ang brighter side ng mga bagay bagay
Mayroon ka bang mga kakilala na ang laging bukang bibig ay ang kanilang past?
“Dati ganito kami.”
“Noon hilig natin pumunta sa ganito.”
“Dati nakakapag ipon ako.”
“Alam mo bang mayaman kami dati?”
“Dami naming kotse dati.”
Alam mo, ang pag-usapan natin ay ngayon. ‘Yong present. Wag nating pag-usapan ang past, pag-usapan natin ngayon.
Alam mo bang kapag mas naka focus tayo sa past ay pinipigitan nito ang mas magandang pwedeng mangyari ngayon o sa mas magandang hinaharap.
Kung laging nasa isip mo ang iyong past ito ay pwedeng makapag dulot sayo ng stress o pagkabalisa. Sabi nga nila, ang nakaraan ay nakaraan na lang.
May ibang mga tao na palaging naninisi ng ibang tao kung bakit hindi sila successful, kung bakit mahirap sila, kung bakit bla bla bla… dahil sa mistake ng ibang tao.
Minsan ba nasabihan kana na, “Dahil sayo hindi ako nakapasa.”
“Sinira mo ang mga pangarap ko.”
“Dahil sa gobyerno kaya ako mahirap.”
Ang paninisi ng ibang tao ay makakapag paalis ng kasiyahan sayo., ng iyong potential, ng iyong future. Instead na isipin mo ang masasamang nangyari sayo, bakit hindi mo isipin o mag focus ka sa present, sa pwede mong gawin ngayon. Be action-oriented, be proactive.
Isipin mo ang pwede mong gawin. Mas focus ka sa mga bagay na kaya mong i-control. Kaysa mag-isip ng mga problema, mag-isip ka ng mga solusyon sa problema mo.
Sabi nga sabi ni Chinkee Tan sa kanyang Facebook Live, “If you do not want to face the problem, you won’t be able to solve the problem.”
Halosa karamihan sa atin, kahit ako dati, gusto natin na lahat kaya nating i-control sa buhay natin. Sa halip na ma-control natin ang mga bagay-bagay, hindi natin napapansin na tayo ang kino-control.
Gusto nating baguhin ang isang sitwasyon pero sa totoo hindi natin kayang baguhin ang isang sitwasyon overnight.
Sabi nga, “The harder we try, the more stressful we become.”
Kung may bagay tayong kayang i-control, ito ay ang ating sarili.
Kailangan nating tanggap ang mga bagay-bagay, tanggapin ang mga bagay na hindi natin kayang baguhin, maging matapang sa pangtangap nito at subukang i-tama ang mga maling nagawa.
Di ko alam kung meron kayong kilala na sa bawat nakakausap mo ay laging nagrereklamo. ‘Yong tipong kapag wala silang trabaho, lagi silang nagrereklamo na mahirap maghanap ng trabaho. Kapag meron namang trabaho, ang sasabihin madaming trabaho.
Mag bigay ka ng mas madaming effort para maiwasan mo ang magreklamo.
Ang pagiging mareklamo ay pwedeng makapa bigay sayo ng kalungkutan o dissapointed o pagiging victim ng isang bagay na ikaw lang ang may gawa. Ito rin ay makakapag bigay sayo ng negativity sa buhay mo.
Lagi mong tandaan na kailangan nating mag invest ng ating oras na tayo ay magpapasalamat.
Meron ka bang mga kilalang mahilig mag excuse?
Bakit ka late? TRAFFIC
Bakit hindi mo natapos ang trabaho mo? MADAMI KASI E
Bakit wala kang kita sa business mo? MAHIRAP KASI E
Bakit wala kang ipon? MALIIT KASI SAHOD KO E
Wag mong isakatwiran ang iyong mga mali. Tanggapin mo na mayroon kang mali at pagkukulang. Mag take action at baguhin ang mga bagay na kailangan mong baguhin.
Kung lagi tayong nagbibigay ng excuses? Hindi tayo mag go-grow. Mag i-stay tayo kung nasan man tayo.
At alam ko na ayaw mong ma-stuck sa ganyang sitwasyon.
Sa totoo lang, hindi natin mapi-please ang lahat ng tao. Mayroong mga taong kahit anong gawin mo may masasabi at may masasabing masama sayo.
Ito ang reality. Kahit ako, kahit anong share ko o kahit anong gawin kong mabuti, meron at merong mga taong may masasabi sakin.
And I don’t care. Wala akong pake kung baga. Dahil as long as merong nakikinig sakin, merong naniniwala sakin na kahit isang tao lang, na dahil sa mga sini-share ko at mga sinasabi ko kaya kong baguhin ang buhay nya. Hindi ako magsasawang gawin ito.
Kung patuloy na sinusubukan mong i-please ang mga taong nasa paligid mo, mga taong hindi mo gusto para magustuhan ka? Ito ay mauuwi sa disappointing.
I hope you enjoy reading this article about the 7 bad habits you need to eliminate.
If you like my article, give some comments I would love to chat with you and also give my opinion about your comment.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]