6 Common Mistakes You Need To Avoid in Social Media Marketing

October 4, 2017
neilyanto

I love social media, pero araw-araw marami akong nakikitang network marketer at affiliate marketer na maling pamamaraan ang kanilang ginagamit sa pagpo-promote ng kanilang product at services, dahilan ng pagkasira ng business nila.

 

Ngayon tutulungan kitang maintindihan kung ano ang mga common mistake ng mga networker sa pagpo-promote nila sa social media, kaya naman if you are making mistake magagawa mo itong i-tama at maging successful sa iyong business.

 

Ang social media ay napaka gandang tools para sa mga marketer dahil magagawa nitong mas mapadali ang iyong business kung ginagawa mo ito ng tama.

 

Magkakaroon ka ng ability na mabilis na makapag connect sa mas maraming tao sa buong mundo, very fun at interesting diba?

 

So, pumunta na tayo sa main topic ng blog post na ito.

 

6 Common Mistakes You Need To Avoid in Social Media Marketing

 

1. Posting too much about their product or opportunity.

 

Ang social media ay walang pinagkaiba sa pagkikipag meet sa ibang tao araw-araw at ginagawa natin yan.

 

Hindi ka papasok sa isang party at magsisimulang magbenta ng product na inooffer mo, tama? Ganun din sa social media.

 

Sa halip, kailangan muna nating magbigay ng value at mag create ng relationship sa ating prospect bago tayo mag promote ng link about sa ating product o services.

 

Marami akong nakikitang marketer na nagpo-post ng mga link about sa kanilang business opportunity or product nila, katulad ng pag private message sa mga friend list about sa kanilang inooffer na hindi man lang sila nagsisimulang makipag usap . Trust me hindi ka makakapag attract ng leaders sa ganyang maling strategy. Sa ibang social media pwede kang ma-ban o ma-shut down ang iyong account.

 

2. Spamming other pages or groups.

 

Ang isa pang mali ng mga network and affiliate marketer ay nagtatapon sila ng mga link at sales promotion sa lahat ng Social Media site. Don’t post automatic at mag spam sa mga post ng ibang viral post, group at pages. Avoid broadcasting, social media ay hindi isang advertising channel. Engage in conversion.

 

3. Misusing Private Messaging without building a relationship first.

 

Top 3 sa maling pamamaraan ng mga networker at mga affiliate marketer ay ang pagbibigay ng mga link about product or video presentation ng kanilang business. Lagi mo tandaan na ang iyong link ay ang sandata mo sa iyong business, kapag wala kang sandata wala kang kita. Ang lahat ng Social Media ay kayang kaya nilang alisin o i-ban ang iyong link sa buong site nila lalo na kung hindi magandang practice ang ginagawa ng isang marketer.

 

Mag simula kang mag create ng relationship then promote your product ot business opportunity.

 

May tamang oras para sa lahat friend.

 

4. Not Providing Value.

 

Lagi mong tatandaan na mahalagang mag-isip kung paano ka makakatulong sa ibang tao at makakapag bigay ng mga value.

 

Makukuha mo ang attention ng mga tao kapag ikaw ay nagbibigay ng something valuable at ito ay hindi mahirap gawin lalo na kapag nagsimula ka ng good habit.

 

3 Easy and Simple Ways To Provide Value On Social Media

 

  • Share something funny.
  • Sharing valuable content/knowledge.
  • Sharing interesting personal information or stories.

5. No Personal Content.

 

Ang mga tao ay mas interesado sa buhay na meron ka ngayon kaysa sa business na ginagawa mo. Ang bottom line dito ay nakikita ng mga tao na hindi na sila magkakaroon ng social life at hindi na nila magagawa ang masasayang bagay habang ginagawa nila ang business na inooffer mo. Lagi kang mag post ng mga positive. Kung meron kang mga sama ng loob, wag mong ilabas sa social media, ilabas mo ito sa bahay mo o sa mahal mo sa buhay. At huli sa lahat, I advice na wag kang makikipag participate sa ibang post na negative unless na magagawa mo itong baguhin in a positive way.

 

Kung mag si-share ka lang ng business araw-araw, i’m sure na iignore ka ng mga tao at ikaw ay parang magiging invisible.

 

6. Lack of Consistency in Your Posts.

 

Kung ikaw ay hindi consistent sa ginagawa mo ang tao ay magsisimulang mag doubt sa iyong commitment at iyong vision.

 

Kailangan mong gawing daily habit na mag post consistently.

 

Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan mong mag focus sa isa o dalawang social media account. Mas better na mag post consistently sa isang social channel kaysa sa madaming channel pero hindi naman consistent.

 

Itong practices na ito ay  hindi nagwo-work at sinisimulan mong sirain ang iyong sariling profession at business.

 

Learn the best practices and strategies and start using Social Media the right way to grow your business.

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

October 28, 2024
COINTECH2U REVIEW - 99% Winning Rate Fake or Real
Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com