Ang karamihang aspeto ng buhay ay may kinalaman sa pag take ng risk. Sa isang negosyo, ang success ay hindi darating sayo, kailangan mo itong hanapin at kunin. Sigurado, kung umiiwas ka sa risk ay walang posibilidad na umasenso. At wala ka ring pagkakataong magkaroon ng progress sa buhay na umasenso katulad nang mga milyonaryo at successful entrepreneur. Narito ang anim na dahilan kung bakit kailangan mong maging matapang sa buhay, kahit na ito ay bukas sa kabiguan.
Opportunities come from risk-taker
Minsan tinitingnan natin ang pag-take ng risk ay isang negativity, madalas mas nakikita natin ito na isang panganib at hindi wise na desisyon. Ilan sa pag take ng risk ay hindi ka dadalhin sa success, pero merong ilang desisyon na kailangan mong gawin at mag take ng risk para maging successful.
Marami akong kilalang naging matagupay sa negosyo, dahil willing silang mag take ng risk sa mga bagay na ang ibang tao ay nag-aalangang gawin at madalas na nagsasabing “Hindi ko kayang gawin yan.” Risky sa karaming tao pero para sakin, “Ito ay isang magandang opportunidad na magbibigay ng bagong kaalaman at pagkuha sa malaking papel para sa pagbubuo ng malaking organization.” Pero alam mo meron pa ring mga taong iba ang pananaw dahil hindi nila makita ang malaking bilog na nasa harapan nila. Madalas sila yung magsasabi sayo na, “Hindi ko linya yan! o, Anong alam ko diyan? o, sila lang ang aasenso dyan.”
Taking risks helps you to stand out
Taking a risk ay isa sa magandang opportunity to stand out at i-present ang iyong sarili as a leader, hindi katulad ng mga follower na sapat na sila sa kung anong meron sila ngayon.
Maraming taong walang sapat na resources at knowledge para mag take ng risk. Natatakot silang gawin ang mga bagay na hindi nila nakasanayang gawin. In order to stand out, kailangan nang liitle effort. Kailangan mong hanapin kung san ka passionate, kapag nahanap mo na yon kailangan mong pag-aralan ng mas mabuti.
Knowledge helps to be confident and survive if you take a risk.
We learn from risks
Sa likod ng external na opportunity at recognition na makukuha sa pag take ng risk, ito rin ay nagbibigay ng opportunity para baguhin ang nating sarili, para mas maging matapang at matalino about business.
Magbibigay ito sayo nang isang pakiramdam na excited at mas challenge. Sa katunayan, mas natututo tayo sa mga bagay-bagay at yung kaalaman na yon ang magbibigay satin sa daan papunta sa success.
Success won’t fall in your lap — you have to pursue it
Maliban sa mga benefits na makukuha mo personally or professionally, ang pag take ng risk ay maaaring isang hakbang na kinakailangan para mag tagumpay.
Kailangan mong ilagay ang iyong isang paa sa harapan ng ibang tao at simulan mo ang iyong journey. Dapat kang maging komportable na hindi mo alam ang eksato kung paano ka makakakuha ng resulta na nais mo. Kailangan mong pag aralan at mag experement along the way. At kailangan mong maging komportable na maaari mong isipin kung san ka papunta at i-execute ang iyong daan para sa gustong outcome.
Risk helps you overcome a fear of failure.
Ang pag take ng risk ay hindi lang nakatuon sa potential benefits na meron ka ngayon. Ito rin ang magbubukas sayo sa mundo kung saan may mga posibilities na hindi mo pa naco-consider.
Sa lahat ng professionals, ang mundo sa labas ng iyong comfort zone ay maaaring maging malawak at nakakatakot. Hanggang hindi mo nailalagay ang iyong sarili at simulang mag take ng risk, hinding hindi mo makukuha ang iyong professional success at makita ang lahat ng potential sayo. Ito na ang oras na kailangan mong umalis sa iyong comfort zone; oras nang sundin kung saan tayo masaya at kung ano ang passionate natin sa buhay; ito na ang oras para kunin mo ang pangarap mo.