Ikaw ba ay may inaasam-asam?
May gustong marating sa buhay?
Kumusta ang iyong pangarap?
Naabot mo na ba o hanggang panaginip na lang?
Kung isa ka sa gustong makuha o marating ang iyong pangarap tapusin mo ang pagbabasa nito. Dahil, gusto kong tulungan ka para malaman mo kung ano ba ang dapat mong gawin para masimulan mong makuha ang journey ng pangarap mo.
First, MOTIVATE YOURSELF
Isa sa mga maling nagagawa ng mga young entrepreneur ay nakukulong sila sa motivation ng ibang tao.
Walang ibang mag momotivate sayo kundi ikaw lang. Kung hihintayin mo na may may mag push sayo, tiyak na walang mangyayari.
Paano kung walang mag motivate sayo? Paano kung may marinig ka or may mag negative sayo?
Ang best answer is ignore lahat ng maririnig mo at gawin mong motavation at inspiration ang family mo. Kung napapagot kana na maging mahirap at hindi mabigay ang magandang buhay para sa kanila. Gawin mo itong motivation para mag tagumpay.
Ang motivation ay nasa loob mo at wala sa iba.
Second, DISCIPLINE and BELIEVE YOURSELF
Sa kahit anong bagay napaka daling mag umpisa at napakahirap naman nitong tapusin.
Ito yong parte na nakakaramdam kana ng katamaran dahil siguro wala namang nangyayare sa ginagawa mo, hindi mo naman makita kung saan papunta ito at feeling mo nakakapagod na ito. Mahalaga ang disiplina sa sarili para maabot mo ang gusto mo sa buhay. Kung puro ka lang umpisa di wala ka nang natapos.
Kasama nito ay dapat may tiwala ka sa iyong sarili. Naniniwala ako na ito ang napakahalagang bagay para makamit mo ang mga gusto mo sa buhay. May kasabihan nga, “Paano maniniwala ang ibang tao sayo kung ikaw ay walang tiwala sa sarili mo”.
Maraming taong magnanakaw ng pangarap mo. Maraming taong hindi maniniwala sa kakayahan mo. Maraming taong hindi mo makukumbinsi kung hindi mo masisimulan sa sarili mo.
Ang kaylangan mo lang gawin ay maniwala ka sa lahat ng gagawin mo.
Third, Take MASSIVE ACTION
Wala kang matatapos kung wala kang sisimulan. Wala kang mararating kung wala kang uumpisahan. Hindi mo makukuha ang gusto mo kung hindi mo sisilumang kunin. Isa lang naman ang sekreto ng mga successful na tao, yon ang nag Take sila ng Massive Action. Kung pagpapabukas mo pa ang opportunity na nasa harap mo siguradong matatagalan kang makuha ito.
Fourth, NEVER GIVE UP ON YOURSELF
Kahit anong hirap ang mangyari sayo wag kang susuko.
Hindi pwedeng sumuko ka sa buhay.
Mawala na ang lahat wag lang ang pag-asa.
Paano na ang magandang buhay para sa family mo?
Paano na ang ang anak mo at ang mga mahal mo sa buhay?
Paano mo maibibigay ang masaya at masagang buhay?
Paano na ang gusto mong makatulong sa magulang mo?
Wag mong hayaan na mawala ang mga pangarap mo.
Kahit anong mangyare wag kang aayaw.
Kung may natutunan ka. Like and share this blog post.
Handa kana bang makuha ang mga pangarap mo?
Comment: “Yes! I Am!.”