It was Thursday night and once again the panic set in. Wala kasi akong naka ready para sa Friday Morning, kung saan madalas akong nag a-upload ng Video.
My excuse? Life. Nakauwi kasi ako ng 8pm ng thursday ng gabi at nang nagsimula akong gumawa ng script for my next Video, talagang blanko. Gumagawa kasi ng writen blog o script for my video madalas umaga dahil don ako nakakapag-isip ng maayos.
Napaisip lang ako bigla. Hawak ko naman pala ang oras ko. Walang boss na nag-uutos sakin. At kayang kaya kong baguhin ang schedule ng paggawa ko ng content at literally no one will care.
Set a Schedule That Works Best for You
Medyo nakakatawa lang dahil kayang kaya ko naman pa lang baguhin ang schedule ko pero nararamdaman ko pa rin ang panic. Nai-stress pa rin ako dahil hindi ko nagawang makapag post ng Content. But seriously, hindi lang yan nangyari ng isang araw lang. Madalas nangyayari yan sakin simula pa noong nagsimula akong gumawa ng content. At dahil ang pag gawa ng content is all about consistency, kapag binago ko ang schedule ko ng madalas, game over na. Doon na nagsisimulang tumigil ang mga readers ko na magbasa, nag-a-unsubscribe na ang mga subscriber ko dahil hindi na sila nakaka tanggap ng update about my blog or my video, at doon na magsisimulang masira ang pangarap ko.
Medyo dramatic ba?
Kaya ito yung dahilan kung bakit binago ko ang schedule ng pag gawa ko ng content na sa tingin ko ay best para sakin, na makakapag post ako ng consistent.
Ngayon, kung hindi mo magawang maka relate sa mga sinasabi ko dahil wala kang blog o wala kang youtube channel, ito ay literally na pwede mong i-apply sa lahat ng parte ng business o sa iyong pang sariling buhay o gawain.
Meron bang mga bagay o task na nagparamdam sayo ng panic dahil hindi mo natapos gawin? Then alamin mo kung bakit kaya hindi mo natapos yong task na yon at baguhin mo yung isang bagay na pumipigil sayo para tapusin ang task na ginagawa mo.
Limit Your Screen Time
Alam ko na hindi lang ako ang nakakaranasan nito. Hindi ibig sabihin na kumikita ako gamit ang computer o cellphone ko ay maganda na ang epekto nito sakin. Marami ding mga pagkakataon na ang pag gamit ko ng computer at cellphone ay may masamang epekto sakin.
Isang reason kung bakit hindi ko matapos ang gawain ko sa loob ng bahay, katulad ng paglinis ng bahay ay dahil nauunahan ako ng pag gamit ng gadget. Naranasan mo na ba yon, pagkagising mo ay ang unang hawak mo ay cellphone. At dahil unang hawak mo na ang cellphone nakakalimutan mo na ang mga bagay na kailangan mong gawin. ‘Yong first task mo.
Negative effect na kasi yon once na ang first task mo hindi mo nagawa. Kung baga sunod-sunod na yon hanggang natapos ang buong araw na wala kang nagawa.
Follow a Simple Yet Effective Morning Routine
Kung napanuod mo ang Documentary Video ni Tony Robbins “I Am Not Your Guru”, makikita mo doon kung gaano sya ka-insane sa morning routine nya, nag wo-work-out sya, tumatalon sya sa malamig na pool at nagninilay nilay sya.
Nong napanuod ko yon talagang na-amaze at sino ba naman ang ayaw matulad sa milyonaryo? diba?Pero para sakin, I hate morning. Magkaroon ng freedom na matulog at gumising ng natural ay isa sa pinapangarap ko. As a employee, talagang sino ba naman hindi gusto ang gumising na hindi pilit, diba? Nararanasan lang natin yon kapag day-off natin or holiday. Sino ba naman ang ayaw na magkaroon ng freedom na ganun? Pero ngayon na nakapag quit na ako sa trabaho, mayroon na akong freedom na gumising ng kahit anong oras. Pero mayroon akong terrible habit na pagkagising sa umaga, I check my phone, go to my laptop and working non-stop until my stomach rumbles, at minsan sumasakit na yung ulo ko dahil nakalimutan ko palang kumain.
So, ang ginawa ko dahil hindi nga ako ‘yong morning person, parang ganun. I’m going to set my alarm for 8 am each day, then do the following:
- Get coffee and eat breakfast
- Meditate for 10 minutes
- Read 10-20 minutes of a good book
Then, ayon. And start my workday around 9am or 10am depende sa gawain ko sa bahay. Pero maximum ko na ang 10am.
So, ikaw? Ano ba ang ginagawa mo para ma-balance mo din ang iyong buhay at ang iyog business o workplace?
Kung ikaw naman yung tipong hindi productive, ibig sabihin mas matas yong time mo sa walang gawain. Kung baga nanghihinayang ka sa oras na wala kang ginagawa at gusto mo rin maging productive.