Nararamdaman mo ba na parang gusto mo nang sumuko sa iyong business dahil walang pumapansin o hindi mo gusto ang results na nakukuha mo?
In this blog post, ituturo ko kung ano ba ang dapat mong gawin o unahin para magawa mong maging matatag ang pundasyon mo sa iyong business.
At para magawa mo ring makuha ang results na gusto mong makuha sa iyong business.
Ngayon tanungin kita, ano bang una mong ginawa noong sinimulan mo ang business mo?
Pinag-aralan mo ba ang kung ano ang system na sinusunod ng company mo?
Inspired ka ba noong ginagawa mo ang business mo?
Mga tamang tao ba ang nakakausap mo araw-araw habang ginagawa mo ang business mo?
Bakit ko tinanong yan?
Kasi dati ginagawa ko rin yan, no?, alam ko na ang system na sinusunod ng company ko, inspired at motivated ako noong ginagawa ko ang business ko at mga tamang tao naman ang nakakausap ko araw-araw. Pero bakit parang may kulang? Bakit parang hindi positive ang nakukuha kong results?
Ito ang madalas ang unang iniisip ang mga networker;
Gusto ko magka kotse,
Gusto ko magka bahay, at
Gusto ko makabili ng mga bagong gudget.
Pero hindi nila iniisip kung paano nila makukuha yan.
“AY…SORRY..MALI AKO…”
Iniisip pala nila, alam mo kung papaano…”INVITE lang”.
Results is?…………..They Quit dahil wala silang matatag na pundasyon para gawin ang business.
So, paano mo ba magagawang maging matatag ang pundasyon para gawin ang iyong business.
3 Things To Build A Foundation In Your Network Marketing Business
Dapat alam mo kung bakit mo ginagawa ang business mo at para saan. Kaylangan mong buksan ang isip mo at i-visualize kung ano ba yong mga pangarap mo. Madalas ang sagot dyan ay para sa mga mahal mo sa buhay.
Gusto ko lang i-share,
Noong 2014 as a offline marketing hindi talaga ako kumita dahil hindi ko pa alam kung para saan bakit ko ginagawa yong business. Lagi ko sinasabi, para sa family ko, para makaalis ako sa pag tatrabaho, at para mabigyan ko ng reward ang sarili ko. But in the end of the day, wala pa rin magandang results akong nakukuha. Ginagawa ko naman ang lahat.
Pero noong sari’t saring pangit na pangyayari na yong dumarating sakin katulad ng, naluoban ako ng bahay nawalan ako ng mag gamit, nanakawan ako ng laptop, naholdap ako….. Hindi ko talaga alam kung pano ako mabubuhay dati as in walang natirang pera kahit sa atm ko at sa bulsa ko.
May nakilala ako at tinulungan ako dati that time… Then Fast forward, dahil gusto kong mabigay sya ng magandang buhay na alam kong magiging masaya sya at ako. Don dumating ang magandang resulta na gusto kong makuha sa business ko.
Nagkaroon na ako ng reason why and inspiration para gawin ang business.
Ang sunod kong ginawa.
Kaylangan mong maintindihan na hindi sapat ang pangarap lang para makuha mo ang results na gusto mo. Kaylangan mong pag-aralan at maghanap ng mga bagay na pwedeng makatulong sayo para magkaroon ka ng sapat na knowledge at skills sa business mo.
Ang sekreto ng mga successful entrepreneur at pinaka mahalagang pundasyon sa business mo ay ang mag TAKE ang MASSIVE ACTION. Hindi mo lang kaylangang pag-aralan, kaylangan mo rin na I-apply lahat ng nalaman mong knowledge at skills para makuha mo ang results na gusto mo.
Knowledge is nothing if you didn’t apply it. Skills is nothing if you didn’t use it.
I-apply mo at gamitin mo lahat ng knowledge na meron ka at sisiguraduhin ko sayo this time kapag sinunod mo yang tatlong bagay na yan mapapanatili mong matatag ang pundasyon at makukuha mong mag ka resulta sa business na ginagawa mo.
Kung isa ka sa gustong gustong makakuha ng magandang resulta at malaman ang step by step kung paano mo mapapadati ang business mo gamit ang knowldege at skills na meron ako. Gusto kong magamit mo rin ito.
Malalaman mo kung papaano ginagawa ng mga successful entrepreneur ang business nila gamit ang tamang strategy sa internet.
At paano mo magagawang maqualify ang mga prospect mo para magawa mong tamang tao na lang ang nakakausap mo.
Step 1: Subscribe to our YouTube Channel: Neil Yanto
Step 2: Comment: “I want this free training”
At ibibigay ko sayo ang link kung saan mo mapapanuod ang mga skills at knowledge na dapat mong makuha para magawa mong gawin ang business mo with less effort and time.
“Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”. Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing” Kung […]
Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]