3 Strategy That Will Help You To Increase Your Sales in Online Marketing

January 12, 2018
neilyanto

Kung hanggang ngayon hindi ka pa rin kumikita sa business mo, dito ang pag uusapan natin ay ang tatlong strategy na makakatulong sayo para mapataas mo ang iyong sales o simulang kumita sa Online Marketing Business mo.

 

Pero balewala ang strategy na matututunan mo ngayon kapag hindi mo alam ang foundation na kailangan mong gawin sa Online Marketing at ano nag iisang habit ng mga successful entrepreneur.

 

Recommended Post: 3 Important Skills You Need To Develop To Yourself

 

Kaya naman panuorin at basahin mo ito para aware ka sa kung anong unang kailangan mong gawin bago mo simulan ang iyong business.

 

Recommended Post: The Only One Habit of Successful Entrepreneur

 

Bago natin pag-usapan ang apat na strategy na ibibigay ko sayo, kailangan mo munang malaman kung sino ang iyong target market. Napakahalaga na malaman mo ang iyong target market bago mo simulang mag promote ng iyong business dahil mas mapapadali ang pag attract mo sa kanila, mas mapapadali rin ang bi-build mo ng relationship, trust at pag close ng sales kapag alam mo na kung sino ang target market mo.

 

Dapat alam mo rin kung ano ba ang possible na problema nila at paano ka makakatulong lalo na ang iyong business na masolusyunan ang kanilang problema.

 

Lagi mong tatandaan na ang customer ay bibili lang ng isang product o services sayo kung malinaw na sa kanila kung paano ito makakatulong sa problema nila.

 

So, ano ba ang tatlong strategy na makakatulong sayo na mapataas mo pa ang iyong sales o simulang kumita sa online marketing business mo?

 

#1 – Messenger Automation

 

Ang messenger automation ay isa ngayon sa marketing trends na kailangan mong gawin this 2018. Pwede ka nang bumuo ng automation para sa mga platform katulad ng Facebook Messenger at Twitter Direct Messaging na maaaring makatulong sa mga customer mo sa iba’t ibang mga paraan.

 

Ang main goal ng messenger bots ay makakuha ka ng mga customer sa pamamagitan ng isang proseso katulad ng pag subscribe sa email list, makahanap ng tamang product, kumuha ng services para sa product, o idirekta ang iyong customer sa iyong online store o business.

 

Ibig sabihin mas madaming makakaalam ng business mo mas possible na mas madami ang bumili.

 

#2 – Paid Ads

 

Isa sa pinaka magandang gamitin na strategy ang Paid Ads Lalo na kung baguhan ka pa lang sa Online Marketing Business.

 

Meron dalawang Advantage ang Paid Ads.

 

  1. Ang paid ads ay Cost-effective, ibig sabihin kaya nitong makapag reach ng large audience sa mababang halaga.
  2. Advance targeting. Hindi katulad sa Free Traffic, sa free traffic kasi 20% lang sa friends list mo ang makakakita ng promotion mo, hindi pa tergeted ang mga yon. Ang paid traffic ay mas specific na mga tao ang kaya nitong makuha na perfect sa iyong product o services.

 

Isa sa pinakamalaking Platform for Paid ads na madalas ginagamit ng mga marketer o online entrepreneur ay ang Facebook.

Ang pinaka challenge mo lang dito, uulitin ko ulit, kailangan alam mo kung sino ang target market mo. Dahil kung hindi, balewala ang perang ibabayad mo para sa paid ads.

 

#3 – Video Marketing

 

Ito ang pinaka magandang gamitin sa kahit anong strategy. Bakit?

 

Ang video ay madaling gawin, pwede kang makapag shoot ng Video using your smart phone at free mo yong magagawa. Mas madaling makapag attract ng audience at makapag build ng relationship. Kung mapapansin mo ang Video ay mas mataas na share sa social media kaysa sa image, text or link. Pwede mo pang mapaliwanag sa video ang gusto mong sabihin sa maiksing oras lang. At ang Video ang pinakamataas ngayon na makapag influence ng audience.

 

Ngayon mas pinataas ni Facebook ang gamit ng Video sa kanyang site using Facebook Live. Dahil nakita ni Facebook kung gaano kaganda ang Video Marketing pag dating sa business. At mas tataas pa ito this 2018.

 

You can create demo, tutorial, review, using Video. Ganun kaganda.

 

At uulitin ko ulit. Kailangan alam mo kung sino ang iyong target market, Kung sino ang makakapanuod ng Video mo. Syempre kailangan mo din malaman kung ano ang foundation at habit nakailangan mong gawin.

Leave a Reply

Back to Archive

About Author

NEIL YANTO
Neil Yanto is a Video Creator and Online Entrepreneur. He helps Filipino Marketers and Online Entrepreneurs how to grow their marketing business from scratch across multiple marketing channels. READ MORE

Popular Post

November 23, 2024
Is Gunmart worth it? | Company Review
Read More
October 19, 2016
Content Marketing vs Traditional Marketing

  “Traditional marketing is telling the world you’re a rock star, content marketing is showing the world that you are one.” – Robert Rose   Nalaman ko ang dalawang strategies kung saan client feel “I need they help” or “They need my help”.   Ito ang tinatawag na “Content Marketing vs Traditional Marketing”   Kung […]

Read More
November 6, 2016
How to overcome Negative Thinking?

Quotes: “Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” Mas madalas mo bang naiisip ang mga diffifulties, failure and disaster? Mas naiisip mo ba ang mga negative na napapanuod, nababasa at napapakinggan mo? Nakikita mo ba ang sarili mo na nahihirapan at walang kakayahan na mabago ang buhay? Madalas mo […]

Read More
Copyright © 2016 - 2024
Neil Yanto Blog
FOLLOW US

About me

Hello! I'm Neil Yanto, I'm a Registered Master Electrician. I’ve been working for almost 6 years in Engineering Industry before I went to Online Marketing. I started making blogs because I want to help my fellow citizens as well as share my ideas and knowledge about Online Business. I believe online business is a business of the future. Read More

Important

About MePrivacy PolicyTerms and ConditionsEarning DisclaimerLogin

Contact Us

Email: info@neilyanto.com