May mga sandali sa buhay ng tao na magbabago ang lahat at susubukan kung gaano tayo katatag. Maaaring masisante sa trabaho, mabuntis nang hindi inaasahan, o hindi makahanap ng perpektong trabaho para sayo. Pero hindi lahat ng mga hindi inaasahang pangyayari ay negatibo, ngunit sa pangkalahatan, may mga bagay na makakaapekto sa iyong financial future at kailangan mong baguhin kung paano ka mag-isip o humawak ng iyong pera.
Gayuman, ang pagiging handa sa anumang hindi inaasayang pangyayari ay isang matalinong pag-iisip. Ito ang ilan sa mga pangyayari sa buhay natin na kailangan nating paghandaan.
Natural Disasters
Ang mga nakaraang ilang taon ay nakita natin kung gaano kalupit ang isang kalamidad, maaaring makasira ng ari-arian at makalagas ng buhay ng tao. Ang isang kalamidad ay biglang dumarating satin, at kailangan natin itong paghandaan.
May dalawang paraan kung paano mo magagawang paghandaan ang isang kalamidad.
- Maghanda ng Emergency Kit with 5 Days supply of foods and water. Ang emergency kit ay hindi kailangang malaki ngunit may matibay na lalagyan at madaling kunin.
- Open a bank account for emergency disaster purposes. Hindi kailangang malakihan ang pag hulog ng pera.
Catastrophic Illness or Death
May mga bagay na hindi natin gusto pero nangyayari at hindi natin ito mapipigilan. Ang tanging magagawa lang natin ay paghandaan ang araw na ito.
Mayroong tatlong paraan kung paano mo magagawang paghandaan ito.
- Start with an Emergency Fund. Ang unang paraan ay ang magkaroon ng isang solid emergency fund. Ito ay magbibigay ng security habang nagre-recover ka sa kahit anong emergencies. Magandang malaman na meron kang pera habang humaharap ka sa ibang issue like job loss, illness, o anumang bagay na maaaring makaapekto sa iyong income?
- Obtain Life Insurance. Mahalagang mayroon kang sapat na security sa iyong buhay para sa iyong pamilya o asawa. Ang life insurance ay magbibigay ng sapat na pera sa mga naiwan mo sa buhay. Kung mayroon kang anak makakatulong itong masakop ang gastos para sa kanilang edukasyon. Mahalaga na mayroon kang Life Insurance kung mayroon kang mga anak.
- Get Adequate Insurance Coverage in Other Areas. Bukod pa rito, dapat mong tiyakin na meron kang sapat na health insurance coverage. Ito ay makakatulong para makapag save ng pera. Maraming tao ang sumusugal na hindi kumukuha ng health insurance dahil pakiramdam nila nasa mabuti silang kalusugan at hindi nila kailangan ito. Ang medical bills ay dumadagdag ng mabilis at dahil ito sa malubhang sakit o aksidente. Maaari kang mabaon sa utang dahil dito. Ang health insurance ay makakatulong para maiwasan natin ito.
Future
Isa sa pinaka mahalaga na kailangan nating paghandaan ay ang ating Future dahil kapag hindi ito pinaghandaan matatapos tayo sa buhay na mahirap.
Paano pag-hahandaan ang Future?
Solve Your Long-term Problem. Kailangan mong malaman kung ano ba ang end goal mo sa buhay. Itanong mo sa sarili mo, mas sapat na ipon ba ako para pumasok sa isang mabigat na sitwasyon? May sapat na ipon ba ako para magsimulang mag pamilya? May sapat na ipon ba ako para sa edukasyon ng aking mga anak? May sapat na ipon ba ako para sa aking retirement?Kung hindi mo masagot ang mga yan, kailangan mong gumagawa ng paraan para masolusyunan ang iyong long-term problem.Ito ang kailangan mong gawin para sa iyong long-term problem.
- Step 1: Learn How to Make Money?. Kung ikaw ay may trabaho nasa step 1 kana. Ang trabaho ay primary source of income natin yan at kailangan natin itong alagaan dahil dito tayo kumukuha ng pang gastos sa araw-araw.
- Step 2: Learn How to Save Money?. Kung may trabaho ka pag-aralan mong makapag ipon dahil walang mangyayari sa buhay natin kung trabaho gastos at trabaho gastos lang ang gagawin natin.
- Step 3: Learn How To Use Your Money to Make Another Money. Kung gusto mong paghandaan ang iyong future kailangan mong pag-aralan kung paano mo gagamitin ang iyong pera para makagawa ng isa pang pera.
Simulan mong mag tayo nang isang negosyo o pumasok sa isang business opportunity na magagawang makapag bigay sayo ng financial freedom.Alam naman natin kung bakit tayo nag sisimulang mag trabaho para hindi lang kumita ng pera at mabuhay.
Para makuha natin ang pangarap natin at masolusyonan ang long-term problem natin, at hindi natin magagawa yon kung aasa lang tayo sa income na pumapasok satin buwan-buwan.